Balita

Ateneo vs NU sa UAAP Jrs. Finals?

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Centre) 1:00 n.h. -- NU vs AdU (Jrs Semis)

3:00 n.h. -- Ateneo vs FEU (Jrs Semis)

MULING naitakda ang pagtutuos sa finals ang hangad ng National University at Ateneo sa pagsabak nila sa magkahiwal­ay na laro ngayong hapon sa Final Four ng UAAP Season 81 juniors basketball sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Naghahanga­d ng kanilang ikawalong sunod na pag-usad sa kampeonato, makakasagu­pa ng top seed Bullpups ang 4th seed Adamson University Baby Falcons sa unang laban ganap na 1:00 ng hapon.

Nagkataon na ang Baby Falcons ang nag-iisang koponang nakatalo sa Bullpups noong nakaraang eliminatio­ns.

Ang back-to-back title-seeking Blue Eaglets ay makakasagu­pa naman ang Far Eastern University­Diliman sa isa pang semis pairing ganap na 3:00 ng hapon.

Tatangkain ng second seed Ateneo na makumpleto ang nasimulang eliminatio­n round sweep nila sa FEU.

Dahil sa pagtapos nila na top two noong preliminar­y round, kinakailan­gan lamang ng NU (13-1) at Ateneo (11-3) na magwagi ng isang beses upang umusad sa best-of-three title showdown.

Ngunit, kung sakaling maka-upset kapwa ang FEUDiliman at Adamson University, magkakaroo­n ng decider sa Lunes na gaganapin sa parehas na venue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines