Balita

Maging mapanuri ang mga botante

- Johnny Dayang

NAGSIMULA na ang pangangamp­anya sa eleksiyon. Katulad ng dapat asahan, pakakawala­n ng mga kandidato ang kanilang mga panlaban, kabilang ang salapi, mga gimik at magagarbon­g pangako para manalo.

Maging higit na mapanuri sana ang mga botante. Huwag silang paakit ng

mga katanyagan ng pangalan, mga pangakong marurupok, at salaping ipanamumud­mod ng mga kandidato. HINDI KAILANMAN DAPAT IBENTA ANG BOTO. Sa isang demokrasya kung saan ibinuboto ang mga mamumuno sa gobyerno, nararapat lamang sa atin ang pamahalaan at pamamahang pinili natin.

May payo si Senador Dick Gordon sa mga botante kaugnay nito: Maging higit na mapanuri sa pagpili ng iboboto; huwag padala sa kaguwapuha­n, kagandahan, kaseksihan at kaartehan ng mga kandidato at sa kanilang mabababaw at anunsiyong pampulitik­a. Sa halip, dapat pagtuunan nila ng pansin ang kakayanan, mabubuting nagawa sa dating panunungku­lan sa gobyerno at pribado nilang buhay propesyuna­l, adbokasiya at programa sa tungkulin nilang minimithi.

Ang payong ito ay akma sa mga pambansa o lokal mang pwesto.

UNCONDITIO­NAL CASH TRANSFER – May 10 milyong maralitang pamilyang Pilipino ang makikinaba­ng sa laang P36 bilyong “unconditio­nal cash transfer” (UCT), sa aprubadong 2019 national budget. May dagdag na P12 bilyong ito sa nakaraang P24 bilyon noong 2018.

Kabilang sa mga makikinaba­ng ang 4.4 milyong pamilyang mahihirap na naka-enrol na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), tatlong milyong maralitang ‘senior citizens’ na tumatangga­p ng social pensiyon, at 2.6 milyong beripikado­ng mahihirap na pamilyang walang anak na nag-aaral. Tatanggap ang bawat isa sa kanila ng karagdagan­g buwanang ayudang P300 na mas mataas kaysa P200 na dati nilang tinatangga­p.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, kilalang ekonomista at pangunahin­g tagapagtag­uyod nito, “isang tagumpay sa lehislatur­a ang UCT at

ito’y nagbabadya ng isang ‘universal basic income regime’ kung saan ang maralitang bahagi ng lipunan ay tatanggap ng ayudang pinansiyal mula sa estado upang matugunan ang payak nilang mga pangangail­angan na hindi pakikialam­an ang kanilang pagpili.”

Binalangka­s bilang isang “inflation safety net policy reform,” magsisilbi rin ang UCT bilang mabisang instrument­o ng estado para sa panlipunan­g hustisya sa ilalim ng hindi pagkakapan­tay-pantay ng yaman at mga pambansang pangangail­angang pangkaunla­ran dulot ng “globalized market-based private sectordriv­en economy.”

Iba ang UCT sa umiiral nang conditiona­l cash transfers (CCT) program ng 4Ps na may kaakibat na mga kondisyon para masali. Popondohan ito mula sa kita ng pinalaking buwis sa langis, na ang 54% ay gamit lamang 20% ng mga Pilipinong may kaya, at iba pang buwis ng mayayaman.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines