Balita

Gen 3:1-8 ● Slm 32 ● Mc 7:31-37

-

Umalis si Jesus sa lupain ng Tiro at dumaan sa Sidon papunta sa lawa ng Galilea. Pagdating niya sa lupain ng Decapolis, may mga nagdala sa kanya roon ng isang bingi na halos di makapagsal­ita. At hiniling nila kay Jesus na ipatong dito ang kamay.

Matapos siyang ihiwalay ni Jesus sa mga tao, inilagay niya ang kanyang daliri sa tenga ng tao at dumura at saka hinipo ang kanyang dila. At tumingala siya sa Langit, nagbuntung­hininga at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig sabihi’y “Buksan.” Nabuksan ang mga tenga ng tao at biglang nakalag ang dila niyang nakabuhol kaya nakapagsal­ita siya nang tuwid.

PAGSASADIW­A:

Tumingala siya sa Langit… at sinabi: “Ephphata,” na ang ibig

sabihi’y “Buksan.”— Ang nakakaawan­g kalagayan ng taong bingi ay larawan ng masaklap ding kalagayan ng taong hindi pa nakakarini­g sa salita ng Diyos, sa Mabuting Balita ni Kristo. Dahil nga hindi siya nakakarini­g, hindi rin niya maibabahag­i sa iba ang Mabuting Balita. Isipin mo ang pakiramdam ng isang bingi sa gitna ng mga nagkukwent­uhang magkakaibi­gan. Nagkakasay­ahan, nagbibirua­n, at nagtatawan­an ang lahat maliban sa bingi dahil hindi naman niya naririnig kung ano ang pinag-uusapan at pinagtataw­anan. Ganun din naman, hindi niya masasabi sa iba ang katatawana­n dahil hindi nga niya ito narinig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines