Balita

Tom at Carla, kasal na lang ang kulang

- Ni NITZ MIRALLES

PAMILYA na talaga ang turing kay Tom Rodriguez ng pamilya ng girlfriend niyang si Carla Abellana. Sa bawat family trip ng pamilya ni Carla ay kasama si Tom.

Ang latest na travel ni Carla at ng kanyang pamilya ay sa Japan, at doon din nagcelebra­te ng Valentine’s Day ang magkasinta­han.

Ang daming photos na ipinost si Carla na two words lang ang caption. Ang isang caption ay “My strength”, habang ang isa naman ay “My soulmate.”

Tuwang-tuwa ang fans ng dalawa sa closeness ni Tom sa pamilya ni Carla, at lalong gusto nilang magpakasal na ang dalawa.

Anyway, nagkaroon ng time si Tom na umalis muna ng bansa dahil hindi pa nagsisimul­a ang taping ng Afternoon Prime nila ni

Janine Gutierrez na Dragon Lady. Bago naman lumipad tungong Japan, nag-training muna si Tom sa dragon boat racing, dahil team captain ng Dragon Race ang role niya sa serye.

Si Janine naman, pumasyal sa Binondo sa Maynila para mag-obserba ng mga kulturang Chinese at tumikim na rin ng Chinese food. Filipino-Chinese kasi ang role niya sa Dragon Lady.

First team-up nina Tom at Janine ang Dragon Lady, sa direksiyon ni Paul Sta. Ana. Maganda ang concept ng story, na sure na magugustuh­an ng viewers.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines