Balita

Carmina, paborito ang role na ina ng twins

- Ni NORA V. CALDERON

MASAYA sina John Estrada at Carmina Villarroel na after ng 22 years na nagkasama sila sa sitcom noon ng ABS-CBN na Palibhasa Lalake ay magkakatam­bal sila sa isang groundbrea­king primetime soap this 2019 sa GMA Network, ang Kara Mia.

Bago natapos ang sitcom, umalis na si Carmina dahil nagkaroon ng issue noon. Ngayong muli silang magkakasam­a, at gaganap na mag-asawa sa serye, nagkakataw­anan na lang sila ni John.

Biruan nga nila sa mediacon: “Nag-asawa muli ako” sabi ni John.

“Nag-asawa rin muli ako,” sabi ni Carmina. “Pero natuwa ako nang ibigay sa akin itong serye,” patuloy ni Carmina. “Naiyak ako nang mabasa ko ang script na kambal muli ang mga anak ko, pero ibang kambal dahil isa lamang ang katawan nila, pero dalawa ang mukha.

“Hindi ko na inisip ang talent fee dito, basta sabi ko gusto kong gawin. Malapit siguro sa akin na kambal ang tema ng story, tulad ng Kambal

Karibal dahil may kambal din ako.

“Isa ko pang considerat­ion dito, lahat ng kasama ko sa serye, first time kong makakatrab­aho, kaya ang saya-saya ko. Maliban nga lang si John, pero first time ko rin dahil pareho na kaming nasa GMA,” mahabang kuwento ni Carmina.

“Na-excite naman ako nang ibigay sa akin ang serye at makakasama ko si Carmina,” sabi ni John. “Ang tagal na kasi nang huli kaming magkasama. Parang little sister ko siya, dahil batang-bata pa siya noon, 12 years old lamang. Ngayon, muli kong nakasama, asawa ko na siya sa story.

“But I’m really very thankful at masaya ako dito sa GMA, dahil after ng Victor Magtanggol, binigyan nila agad ako ng bagong project at naiiba naman sa mga story na nagawa ko na. At halos lahat din ng kasama ko rito, first time kong makakasama, except for Glydel (Mercado), dahil nakasama ko na noon, at friend ko naman ang husband niyang si Tonton Gutierrez.”

Sa Kara Mia, si Carmina ay si Aya, ang nanay ng sisters, na pumunta ng Bacolod nang maghirap sila sa Manila at na-meet niya si Arthur (John), may-ari ng carinderia na mapaniwala­in tungkol sa mga folk tales.

Ang Kara Mia ay based sa true story na nangyari sa India, pero hindi raw nabuhay ang kambal, namatay sila pagkasilan­g sa kanila. Iyon namang nangyari raw sa Great Britain ay hindi napatunaya­n at nanatiling isang urban legend lamang.

May premiere telecast ang Kara Mia sa Lunes, February 18, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7, sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines