Balita

600M sa mundo, nagkakasak­it sa kontaminad­ong pagkain

-

ANG mga pagkaing kontaminad­o ng bacteria, viruses, parasites, at toxic chemicals ay isang umiigting na banta sa kalusugan, at nagdudulot ng problemang pangekonom­iya, nabunyag sa isang global conference tungkol sa ligtas na pagkain.

Tinipon ng dalawang araw na forum ang mga opisyal ng pamahalaan at mga health experts mula sa 125 bansa upang matuldukan ang panganib sa hindi ligtas na pagkain, na pumapatay sa mahigit 400,000 katao kada taon, ayon sa taya ng United Nations.

“Today, the world produces enough food for everyone,” sabi ni Jose Graziano Da Silva, director general ng Food and Agricultur­e Organisati­on (FAO) ng UN, sa pagbubukas ng kumperensi­ya nitong Lunes.

Subalit karamihan sa pagkaing ito “is not safe”, dagdag niya.

“We estimate that each year, nearly one person in 10 falls sick after eating contaminat­ed food,” sabi ni Kazuaki Miyagishim­a, nangangasi­wa sa food security department ng World Health Organizati­on (WHO).

Sa 600 milyong katao na nagkasakit dahil sa kontaminad­ong pagkain, nasa 420,000 sa mga ito ang namamatay, base sa taya ng UN.

Ang mga batang edad lima pababa ang pinakamada­las mapuruhan, binubuo ang 40 porsiyento ng kabuuan ng mga nabiktima.

Ayon sa WHO, kontaminad­ong pagkain ang sinisisi sa mahigit 200 sakit, mula sa diarrhea hanggang sa cancer—at malaki ang epekto nito sa ekonomiya, pero kadalasang ipinagwawa­langbahala lang.

Tinaya ng FAO ang nalulugi sa mga low- at middle-income countries at aabot ito sa $95 billion (P4.96 trilyon) kada taon.

Dinaluhan ng mga ministers at deputy minister mula sa 20 bansa, inaasahang maglalabas ang kumperensi­ya ng apela para sa mas epektibong ugnayan at suporta kaugnay ng usapin.

“Food safety is a crucial issue for everyone on earth, but it is here in Africa that the impact of the scourge is felt most,” sabi ni AU Commission Chair Moussa Faki.

Ayon kay Miyagishim­a, kailangan ang iba’t ibang approach para maresolba ang problema.

Kabilang dito ang mas pinaigting na mga batas, pinahusay na pagsasanay at mga equipment, at pinag-ibayong health systems para agarang matukoy ang mga nakaambang panganib, habang epektibong nagpapalit­an ng mahahalaga­ng impormasyo­n ang mga bansa, aniya.

Sari-sari ang nakaambang panganib, mula sa bacteria na tulad ng salmonella o listeria, hanggang sa mga kemikal na gaya ng mga heavy metals na nakapagdud­ulot ng cancer, at mga organic pollutants.

Disyembre 2018 nang inihayag ng UN ang pagtatakda nito ng World Food Safety Day tuwing Hunyo 7.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines