Balita

6 sa CAFGU, pinalaya ng NPA

- Fer Taboy

Pinalaya ng New People’s Army (NPA) nitong Huwebes ang anim na tauhan ng Citizen’s Armed Forces Geographic­al Unit (CAFGU), na binihag ng mga rebelde sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Ayon kay 4th Infantry Division (IB) Spokesman, Lt. Col. Ezra Balagtey, sina Jurian Gaviola, Marson Iligan, Bienvenido Lamion, Eddie Tindoy, Sanny Malobay, at Hermito Iligan ay kabilang sa 15 hinostage ng mga rebelde noong Disyembre.

Sa pahayag ng militar, ang anim ay pinakawala­n sa Bgy. San Juan, at kabilang sa 13 CAFGU at dalawang sundalong binihag ng NPA sa Bgy. New Tubigon Patrol Base sa Sibagat, Agusan del Sur, noong Disyembre 19, 2018.

Sinabi ni Balagtey na isasailali­m sa medical at psychologi­cal treatment ang anim na tauhan ng CAFGU.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines