Balita

Navy naputukan ng sariling baril, tigok

- Mary Ann Santiago

Patay ang aktibong miyembro ng Philippine Navy nang maputukan umano ng nililinis nitong baril sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Gayunman, tinitingna­n din ng awtoridad ang anggulong nagpakamat­ay si Corporal Michael Arceo, 26, ng 774 Malabon Street, Barangay 338, Sta. Cruz, nang magkaroon sila ng pagtatalo ng kinakasama­ng si Sushmita Tayo.

Sa ulat ng MPD-Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3), naganap ang insidente sa loob ng silid ng biktima na matatagpua­n sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan, dakong 3:20 ng madaling araw.

Sa salaysay umano ni Tayo, bago siya bumaba upang asikasuhin ang mga customer sa videoke bar, ay nakita pa nito ang live-in partner na naglilinis ng baril sa loob ng kanilang silid.

Makalipas ang ilang minuto ay makarinig na si Tayo ng putok ng baril at tumakbo patungo sa kanilang silid.

Tumambad sa kanya ang duguang biktima, na may tama ng bala sa baba, na tumagos sa ulo.

Agad na humingi ng tulong si Tayo sa kanyang mga empleyado at isinugod ang biktima sa University of Santo Tomas Hospital, ngunit huli na ang lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines