Balita

Jinggoy, Bong, laglag sa Digong’s list

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at VANNE ELAINE P. TERRAZOLA

Kahit na itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni dating Senator Jinggoy Estrada sa isang pagtitipon nitong nakaraang linggo, hindi kasama ang huli sa kanyang senatorial lineup.

Ito ang nilinaw ni Duterte sa pagsisimul­a ng kampanya ng mga pambato sa pagka-senedor ng partido niyang PDP-Laban. Kasama sa mga kandidato ng partido ang limang mga miyembro at anim na guest candidates.

Sa isang payam, nilinaw ng Pangulo na binanggit lamang niya si Estrada sa isang okasyon sa Legazpi, Albay nitong nakaraang linggo bilang paggalang.

“Nandoon siya eh. Alangalang naman na hindi ko siya [batiin],”aniya.

Gayunman, si Estrada at dating Sen. Bong Revilla, kapwa inakusahan ng katiwalin kaugnay sa 2013 pork barrel scam, ay bahagi ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) slate, ang political party ni presidenti­al daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Opisyal na ikinakampa­nya ni Duterte sina Maguindana­o Representa­tive Zajid “Dong” Mangudadat­u, dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Special Assistant to the President Bong Go, Senator Koko Pimentel, at dating Political Adviser Francis Tolentino. Sila ay tinatawag na “MABAGO KO TO”.

Samantala, ang guest candidates ng PDP-Laban ay ang reelection­ists senators na sina Cynthia Villar, Sonny Angara, at JV Ejercito; Ilocos Norte Governor Imee Marcos; Taguig Representa­tive Pia Cayetano; at singer na si Freddie Aguilar.

NO EXPECTATIO­N

Sinabi naman ni Sen. Grace Poe na hindi siya umaasang ieendorso ni Pangulong Duterte sa May 13 senatorial elections.

Inamin ni Poe, independen­t candidate, na makatutulo­ng ang endorsemen­t ng Pangulo sa kanyang reelection bid, gayunman iginagalan­g niya ang choices ng Pangulo.

“Hindi ko ipagkakail­a, siyempre ‘pag inendorso ka ng administra­syon, iba ‘yon ‘di ba? Mas makakagaan sana ‘yon para sa aming resources pero hindi ka naman puwedeng mamilit,” ani Poe sa chance interview nitong Huwebes ng Department of Transporta­tion in Manila.

CHOICE NI SARA

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na iginagalan­g niya ang desisyon ng kanyang anak na si Mayor Sara ikinakampa­nya ang sarili nitong senatorial slate bukod sa kanyang personal bets.

Sa isang anayama sa media, sinabi ni Duterte na may ibang pananaw ang kanyang anak at ayaw niyang makipag-away dito.

“Well, ‘yung -- tayo-tayong paniwala eh, so I cannot stop my daughter from supporting other candidates if that is her desire. Ayaw ko na makipag-away sa kanya,” aniya.

Ikinakampa­nya ni DuterteCar­pio sina Angara, Cayetano, Ejercito, Pimentel, Sen. Cynthia Villar, Mangudadat­u, Go, Tolentino, Dela Rosa, Marcos, Estrada, Revilla, at dating reporter na si Jiggy Manicad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines