Balita

2 pulis tiklo sa buy-bust

- Marie Tonette Marticio

Dalawang bagitong pulis at isang sibilyan ang nadakip sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Macabug, Ormoc City, Leyte, kahapon ng umaga.

Kinilala ng City Drug Enforcemen­t Unit (CDEU) ng Ormoc at ng Philippine Army (PA) ang mga naaresto na sina PO1 Ronelo Felizarta, 36, nakatalaga sa San Vicente Municipal Police sa Northern Samar; PO1 Pelboy Lopez, 31, ng Northern Samar Provincial Mobile Force Company, may asawa, ng Bgy. Salvation, Palo; at Ricsan Sale, 29, ng Bgy. Macabug, Ormoc.

Dinampot ng mga awtoridad ang tatlo dakong 11:50 ng umaga sa Bgy. Macabug, at nasamsaman umano ng limang plastic sachet ng hinihinala­ng shabu, dalawang cell phone, at isang .9mm caliber Glock 17 service firearm.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines