Pagbakuna vs tigdas ‘wag tantanan - WHO
GENEVA (AFP) – Nagbabala ang World Health Organization nitong Huwebes na nagiging paurong ang mga pagsisikap para mapigilan ang pagkalat ng tigdas, kasabay ng pagtaas ang bilang ng mga kaso sa buong mundo sa halos 50 porsiyento nitong nakalipas na taon.
BinanggitngUNhealthagencyangpreliminary data na nagpapakita ng nakababahalang trend ng muling pagdami ng mga kaso ng tigdas sa buong mundo, kabilang sa mayayamang bansa na mataas ang vaccination coverage.
“Our data are showing that there is a substantial increase in measles cases. We’re seeing this in all regions,” ani Katherine O’Brien, WHO director of immunisation, vaccines and biologicals, sa mga mamamahayag sa Geneva, idinagdag na ang tunay na bilang ng impeksiyon ay “in the millions”.
Nakakadismaya ito dahil madaling maiwasan ang sakit sa dalawang dose lamang ng “safe and efficient” na bakuna na ginagamit simula pa noong 1960s, ayon sa WHO.
“We’re backsliding on the progress that has been made. And we’re not backsliding because we don’t have the tools to prevent this. We’re backsliding because of the failure to vaccinate,” ani O’Brien.