Balita

California sinalanta ng baha, mudslide

-

SAUSALITO, Calif. (AP) — Nilaslas ng malakas na ulan ang California nitong Huwebes, at maraming tao ang naipit sa baha, inanod ang kalsada sa kabundukan, na nagbunsod ng mudslide na sumira sa kabahayan at nagpuwersa sa mga residente na tumakas sa mga komunidad na nilamon ng wildfires nitong nakaraang taon.

Humagupit ang malakas na unos mula sa Pacific Ocean at nagpakawal­a ng mapinsalan­g ulan sa U.S. West hanggang sa Wyoming at Colorado matapos unang salantain ang Northern California at southern Oregon.

Iniulat ng National Weather Service ang matinding ulan sa buong California, kabilang ang mahigit 9.4 pulgad sa loob ng 48 oras sa isang lokasyon sa San Bernardino Mountains sa silangan ng Los Angeles.

Isang babae na nasagip sa tumataas na tubig ang inatake sa puso at namatay sa ospital, ayon kay Capt. Ryan Rolston sa Corona Fire Department.

Sa North of San Francisco, tinabunan ng mudslide ang mga sasakyan, ibinuwal ang mga punongkaho­y at isang bahay ang dumausdos sa paanan ng burol at tumama sa isa pang bahay sa Sausalito.

Pinalikas ng mga awtoridad ang mga residente sa Santa Ana Mountains dahil sa banta ng baha, gayundin sa Laguna Beach. Pinalawak ang flood advisories hanggang sa Arizona.

Ang bagyo ay kasunod ng mahigit isang linggo ng matinding panahon sa Pacific Northwest at ang huli sa serye ng mga bagyo na nagpabaha sa Californi. Ito ay bnsod ng atmospheri­c river — isang plume ng moisture na umaabot hanggang sa Pacific Ocean hanggang sa Hawaii.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines