Balita

2 guro nilooban, 2 kelot timbog

- Jhon Aldrin Casinas

Kalaboso ang dalawang lalaki na umano’y pumasok sa nakakandad­ong kuwarto ng dalawang guro at tinangay ang electronic devices at pera sa Mandaluyon­g City, nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Al Vadehueza, 24; at Abel Aniceto, 25, kapwa ng Barangay Addition Hills sa Mandaluyon­g City.

Sa imbestigas­yon, nilisan ng public school teachers na sina Lurita Sabulao, 29; at Theresa Karla Abucot, 28, ang kanilang boarding house at ikinandado ang kuwarto nang magtungo sa paaralan, dakong 5:45 ng madaling araw.

Pagsapit ng 7:00 ng umaga, sinabi ng pulis na nakatangga­p umano si Abucot ng mensahe mula sa kanilang kapitbahay na bukas ang kanilang kuwarto.

Pagdating ni Abucot sa bahay, nakita niyang sapilitang binuksan ang kanilang pinto at magulo ang kanilang mga gamit. Nadiskubre rin niya na ang kanyang backpack, P10,000 cash, laptop at charger ng kapwa guro ay nawawala, ayon sa awtoridad.

Sa kabutihang palad, nakunan ng closed-circuit television (CCTV) camera ang insidente at nakita si Vadehueza na dala ang nawawalang backpack.

Sa kabilang banda, si Aniceto ay hindi nakunan ng CCTV, ayon sa awtoridad.

Iniulat ni Abucot ang insidente sa pulis at nagsagawa ng follow-up operation at naaresto ang dalawa at nabawi ang mga ninakaw maliban sa P8,080 cash.

Kakasuhan ang mga suspek ng theft.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines