Balita

R16K shabu sa negosyante

- Ria Fernandez

Isang 34-anyos na negosyante ang inaresto sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Officer 2 Carlo Quijano, imbestigad­or, inaresto si Faiz Mampao, alyas Kudai, ng Tondo District, matapos ang matagumpay na transaksiy­on sa F. Torres Street malapit sa corner C. M. Recto Avenue, dakong 6:30 ng gabi.

Nasa 32 pakete ng umano’y shabu, na nagkakahal­aga ng P16,000, ang nasamsam sa suspek.

Bukod diyan, narekober ng mga awtoridad ang isang digital weighing scale, na ginagamit sa pagsukat ng naturang droga.

Mahaharap ang suspek sa kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines