Balita

Rider bistado sa marijuana

- Orly L. Barcala

Arestado ang isang rider nang masamsaman ng pinatuyong dahon ng marijuana sa checkpoint sa Malabon City, kamakalawa.

Kinilala ang inaresto na si John Carlo Flor, alyas Toytoy, 21, ng 49 B Del Rosario Street, Merville Subdivisio­n, Barangay Dampalit sa nasabing lungsod.

Sa report, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng District Mobile Force Battalion (DMFB) sa kahabaan ng Don Basilio Bautista Blvd. corner M. Sioson St., Bgy. Dampalit, bandang 11:00 ng tanghali.

Dumaan ang suspek at walang suot na helmet kaya sinita ng pulis.

Hiningi ng pulis ang driver’s license ni Flor at ang mga papeles ng motor.

Kinuha ng suspek ang kanyang wallet para kunin ang lisensiya, ngunit nadiskubre ang isang pakete ng marijuana.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines