Balita

Pag-aresto kay Ressa, ‘di pag-atake sa media –Duterte

- Argyll Cyrus B. Geducos, Jeffrey G. Damicog at Beth Camia

Tinuldukan ni Pangulong Duterte ang mga espekulasy­on na ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa ay pag-atake sa media outfits na ‘di sang-ayon sa mga polisiya ng kanyang administra­syon.

Ito ang ipinahayag ni Duterte ilang oras matapos na magpiyansa si Ressa makaraang mamalagi sa National Bureau of Investigat­ion (NBI). Inaresto siya ng NBI agents sa kanyang tanggapan sa Rappler para sa kasong cyber libel, nitong Miyerkules.

Pinabulaan­an ni Duterte ang mga sinasabi ng local at internatio­nal media groups at mga personalid­ad na ang pag-aresto ay pag-atake sa media.

“Susmaryose­p. Far from it actually. I do not relish --- babae pati bata, wala ako diyan,” sabi ni Duterte.

“Hindi ko kilala ‘yan si Keng, frankly. I do not know him and what prompted him to file a case,” dagdag niya.

Sinabi ng Pangulo na ipauubaya na niya sa media ang lahat.

“Tutal kayo ang critical, bahala kayo diyan kung matuluyan kayo,” aniya.

“It means nothing to me. Hindi naman totoo lahat ‘yan. Just prove to me one item there. Corruption? Ako? I don’t know,” dagdag niya. GOBYERNO WALANG KINALAMAN –KENG

Walang kinalaman ang gobyerno sa pagsasampa ng kaso laban kay Ressa, sinabi ni Wilfredo Keng, kahapon.

“I maintain: this is a private criminal action against Rappler, Ressa and other named individual­s concerning their untrue, unfair and malicious imputation of grave crimes against me,” sabi niya sa isang pahayag.

“It is my personal fight to vindicate my name against the acts of an unethical and irresponsi­ble few,” diin niya.

Nahaharap sa kaso sina Ressa at dating Rappler reporter na si Reynaldo Santos, Jr. sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 para sa paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Keng kaugnay ng May 29, 2012 online article, na isinulat ni Santos, na may titulong “CJ Using SUVs of Controvers­ial Businessma­n”.

Nakasaad sa artikulo na ang gamit ni dating Chief Justice Renato Corona na 2011 Chevrolet Subarban ay nakarehist­ro kay Keng, na inilarawan ni Santos na “shady”, at sangkot sa human traffickin­g at drug smuggling, at iba pa. NBI PINAGPAPAL­IWANAG

Kinukuha na ng Department of Justice (DoJ) ang panig ng mga tauhan ng NBI, na naghain ng arrest warrant laban kay Ressa.

Kasunod ito ng akusasyon na nagkaroon ng pag-abuso ang NBI sa pagdakip kay Ressa.

Ayon kay Justice Undersecre­tary Mark Perrte, pagpapaliw­anagin nila ang NBI agents kaugnay ng bintang na binantaan ng mga ito ang isang reporter ng Rappler na isusunod kapag hindi tumigil sa pagkuha ng video

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines