Balita

Panawagan ng Western Visayas vs karahasan sa kababaihan

- PNA

NAGTIPUN-TIPON ang iba’t ibang sektor sa Western Visayas upang makiisa sa “One Billion Rising Initiative”, isang pandaigdig­ang kampanya upang wakasan ang karahasan sa kababaihan, na idinaos sa bagong Iloilo City grandstand, nitong Huwebes.

Ayon kay Dr. Mary Barby Badayos-Jover, coordinato­r ng Ugsad Regional Gender Resource Center, ang pinakamala­king layunin ng kampanya, na ngayon ay nasa ikapito nang taon, ay maiangat ang kaalaman ng mga tao laban sa karahasan sa kababaihan at kabataan.

Dagdag pa ni Dr. Jover, sa mga nakalipas na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa polisiya, hindi lamang dito sa Pilipinas, gayundin sa ibang mga bansa kung usapin ng karahasan sa kababaihan ang pag-uusapan.

“We spread into using gender-based violence, of course violence against women is still the focus but we recognized this change through the years that it is not only the women that suffer (from) what we call gender-based violence. You can be a victim of harassment because of your gender orientatio­n,” paliwanag niya, kasabay ng pagsasabin­g ginagamit na ngayon ang “gender-based violence” sa halip na para lamang sa kababaihan.

Ngayong taon, nakatuon ang tema ng kampanya sa solidarida­d.

“This event is one the rare moments where we are able to see different institutio­ns and government agencies together agreeing and fighting for one advocacy,” ayon sa Ugsad.

Sa opisyal na tala hinggil sa karahasan laban sa kababaihan, ang pisikal na pangaabuso ang nananatili­ng nangunguna­ng uri ng karahasan habang nariyan ang ilang mga ulat tungkol sa psychologi­cal at verbal na pang-aabuso.

“People can clearly see the manifestat­ion of physical abuse,” dagdag pa niya. Iginiit din ni Jover na hindi dapat matakot ang kababaihan kung nakaranas sila ng pang-aabuso dahil sa “pervasive societal problem”.

“It would be great if they (babae o biktima ng karahasan) should not keep it to themselves. It is a societal issue and many like her go through the same experience. And there many who survive this situation,” aniya.

Samantala, ang One Billion Rising Dance ay isinagawa rin sa mga bayan ng Miagao at Oton sa Iloilo at sa mga probinsiya ng Antique, Guimaras, at Aklan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines