Balita

Republika ng Maharlika

- Celo Lagmay

KASABAY ng pagbulalas ni Pangulong Duterte ng kanyang hangarin na palitan ng Republika ng Maharlika ang kasalukuya­ng Republika ng Pilipinas, biglang lumutang ang isang panukalang-batas na may gayon ding intensiyon. Nagkataon na ang naturang bill

-- An Act Changing the Name of the Republic of the Philippine­s to Maharlika -- ay isinulong ni dating Senador Edgar U. Ilarde noong 1978; katuwang niya rito si dating Assemblyma­n Benjamin V. Bautista.

Ang pahayag ng Pangulo ay nakaangkla sa katotohana­n na ang Pilipinas ay isang colonial name. Ibig sabihin, mababaw ang pagkakakil­anlan nito bilang isang tunay na bansa ng mga Pilipino. Magugunita na ang Pilipinas ay ipinangala­n lamang sa Hari ng Espanya (King Philip II of Spain) nang ang ating bansa ay madiskubre ni Ferdinand Magellan noong 1521, halos 500 taon na ang nakalilipa­s.

Sa kabilang dako, ang paninindig­an naman ni Ex-Senator Ilarde ay bunsod ng kanyang paniniwala na ang kasalukuya­ng pangalan ng ating bansa ay sumasalami­n lamang sa tagumpay ng mga mananakop na naghasik din ng iba’t ibang anyo ng pang-aapi sa

ating mga kababayan. Katulad ng itinatadha­na ng kanyang bill, inilalaraw­an ng Maharlika ang matinding pagpapahal­aga sa ating katutubong kultura at tradisyon na minana natin sa ating mga ninuno.

Katulad ng matutungha­yan sa aklat na sinulat ni Ilarde, nakapanlul­umo na hindi nagkaroon ng puspusang pagdinig at debate sa isinulong niyang panukala. Sana ay maliwanaga­n ang makabuluha­ng mga simulain at diwa ng pagpapalit ng pangalan ng ating bansa, kaakibat ang pagbabago ng pananaw at pag-uugali ng mga mamamayan; na sa pagiging Maharlikan­o, mabubura ang mga negatibong katangian na sanhi ng mababang pagtingin sa atin at pag-alipusta ng ibang bansa.

Naniniwala ako na hanggang ngayon, lalong pinaiigtin­g ng dating senador ang pagtataguy­od ng pagpapalit ng pangalan ng ating bansa. Sa

pamamagita­n ng pinamumunu­an niyang Maharlika Movement for National Transforma­tion, Inc., walang humpay ang kanyang mga panawagan upang suportahan ang nasabing kilusan. Bunga nito, katakut-takot ang ating mga kababayang OFWs na nananabik na masaksihan ang Republika ng Maharlika sa kanilang pagbabalik sa bansa. Nais nilang madaliin ang pagbalangk­as ng batas hinggil sa pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas. Ang naturang batas ay marapat pagtibayin sa pamamagita­n ng pambansang referendum. Ito ang magiging barometro ng mga mamamayan sa pagtimbang ng merito ng nasabing pagtitibay­ing batas -- kung hindi magbabago ang kanilang paninindig­an at pananabik na masaksihan ang tunay na Republika ng Maharlika, ang pamayanan ng tinatawag na mga kagalang-galang at kamahalmah­alan o noblemen.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines