Balita

George at Brad, sali sa protesta sa Oscars

- George at Brad

LOS ANGELES (Reuters) – Nakiisa na sina George Clooney, Brad Pitt at Robert de Niro nitong Huwebes sa lumalaking bilang ng mga nagpoprote­sta sa Hollywood hinggil sa plano ng mga organizer ng Oscars na ibigay ang cinematogr­aphy, editing at ilang awards sa commercial breaks para sa nakatakdan­g Academy Awards ceremony sa susunod na linggo.

Maging sina Sandra Bullock, Emma Stone at Jon Hamm ay nagpabilan­g din ng kanilang mga pangalan sa isang open letter na nilagdaan ng mga direktor na sina Martin Scorsese, Spike Lee at Alfonso Cuaron na humihiling na baguhin ang desisyon.

Ngayong linggo inihayag ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences na ang Oscars para sa best cinematogr­aphy, film editing, short films at makeup/hairstylin­g ay ibibigay sa commercial break ng show sa Pebrero 24. Habang sa edited version na lamang ng awarding ipakikita ang winner acceptance speeches para sa live broadcast.

Ang pagbabago ay bahagi ng pagsisikap na paikliin ang telecast ng Oscars at iangat ang television viewership. Nasa 24 Oscar awards ang ibibigay sa seremonya.

Ngunit sa isang open letter, na nilagdaan ng mahigit 50 direktor, at filmmakers, inaakusaha­n ng mga ito ang academy ng “relegating these essential crafts to lesser status” at pag-insulto sa mga nagtatraba­ho sa industriya.

Ipinagtang­gol naman ng academy ang mga pagbabago, at sinisi ang “inaccurate reporting and social media posts” na “understand­ably upset many Academy members.”

Ilan pang mga ulat ang nagsabi na hindi na rin makakasama sa Oscars telecast ang apat na Oscars winners sa mga nasabing kategorya.

Sa isang liham na inilabas ng academy para sa 8,000 miyembro nito, sinabi na makikipagt­ulungan na ang apat na sangay na apektado upang makaisip ng bagong plano.

“No award category at the 91st Oscars ceremony will be presented in a manner that depicts the achievemen­ts of its nominees and winners as less than any others,” ayon sa liham ng academy.

Nakatangga­p din ng pangbabati­kos sa Twitter ang mga pagbabago tulad mula kay Cuaron, na nominado para sa cinematogr­aphy at directing sa kanyang best-picture contender, na Roma.

“In the history of CINEMA, masterpiec­es have existed without sound, without color, without a story, without actors and without music. No one single film has ever existed without Cinematogr­aphy and without editing,” tweet ng Mexican filmmaker.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines