Balita

Pinay actress, nominado sa HK Film Awards

-

DALAWANG nominasyon ang nakuha ni Crisel Consunji sa gaganaping Hong Kong Film Awards para sa kanyang pagganap sa Still Human.

Nominado sa dalawang major categories— Best Actress at Best New Performer—ang 34-anyos na singer-turnedactr­ess, kalaban sina Chloe

Maayan, ng Three Husbands; Charlene Choi, ng The Lady Improper; Jennifer Yu, ng Distinctio­n; Zhang Jingchu,

ng Project Gutenberg para sa Best Actress category, habang makakalaba­n naman niya sa Best New Performer sina Lam

Sen, ng G Affairs; Adam Pak, ng L Storm; Chan Charm Ma, ng Three Husbands; at Nancy Wu, ng Men On The Dragon.

Sa official Facebook page, sinasabing nakatuon ang kuwento ng Still Human sa isang “paralyzed and hopeless divorcé,” na si Cheongwing (ginampanan ni Anthony Wong), na nangangail­angan ng caretaker.

Nakilala niya ang kanyang bagong live-in Filipino domestic helper, si Evelyn (Crisel), na isinantabi ang kanyang pangarap upang pumunta ng Hong Kong at magtrabaho. Sa paniniraha­n sa iisang bubong, na-develop ang isang unlikely relationsh­ip sa dalawang ‘di magkakilal­a. Dito rin nila nadiskubre ang kanilang mga sarili.

Bukod naman sa nominasyon ni Crisel, nominated din ang Still Human para sa Best Film, Best Actor para kay Anthony Wong, Best Supporting Actor kay Sam Lee, at Best Director, Best Screenplay, at Best New Director para kay Chan Siu Kuen Oliver.

Sa kabuuan may walong nominasyon ang pelikula, katulad ng Operation Red Sea movie na nasa ikaapat sa may pinakamara­ming nominasyon na pelikula, habang ang Tracey ay may siyam na nominasyon; ang Men On

The Dragon ay may 11; at 17 para sa Project Gutenberg.

 ??  ?? Eksena sa ‘Still Human’
Eksena sa ‘Still Human’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines