Balita

Tanduay Athletics volley tilt sa Cantada

-

BAWAT torneo sa Tanduay Athletics Volleyball Center (dating Cantada Sports Center) ay isang masayang pagdiriwan­g.

At hindi maiiba ang gaganaping PVF-Tanduay Athletics Under 18 Boys & Girls Volleyball Championsh­ips sa Linggo (Pebrero 17) sa Tanduay Athletics Volleyball Center.

Kabuuang walong koponan sa boy and girl divisions ang magsasagup­a sa isang araw na torneo sa multi-court center, na pangangasi­waan ni Dr. Otie Camangian bilang Tournament Director. Mga PVF referees mula sa iba’t ibang lalawigan ang tatayong mga opisyal.

Kabilang sa mga kalahok ang koponan ng Infanta at Lucban sa Quezon; Dasmariñas at Imus sa Cavite; Balanga, Bataan; Pasig; Muntinlupa; Antipolo; Laguna; at BaguioCity.Karamihan sa mga kalahok ay mga estudyante ng pampubliko­ngpaaralan sagabayngD­epartment of Education (DEPED).

Tulad nang mga nagdaang torneo sa Cantada, libre ang entry fee, gayundin ang pagkain at inumin. Para sa mga delegado na kailangang mag-overnight, libre rinaang accommodat­ion.

Sa pangangala­ga ng pamilya Cantada, mistulang bakasyunis­ta ang mga kalahok sa kanilang pamamalagi sa Center na may swimming pool, jacuzzi, billiards at basketball court na gawa sa kahoy na sahig na tulad nang ikinabit sa MOA Arena at Araneta Coliseum. Itinataguy­od ang torneo ng Tanduay Athletics at ni sportsman Bong Tan. Jr.

 ??  ?? BONG TAN, JR.
BONG TAN, JR.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines