Balita

PVF official, UAAP volley commission­er

- Marivic Awitan

MAY bagong commission­er ang Volleyball Tournament ng Season 81 ng University Athletic Associatio­n of the Philippine­s na pormal ng magbubukas ngayong hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Itinalaga ng season host National University bilang bagong commission­er ang internatio­nal referee na si Yul Benosa para sa men’s at women’s volleyball tournament.

Si Benosa ay isang internatio­nal volleyball referee mula pa noong 2009, at naging opisyal na ng iba’t-ibang internatio­nal tournament­s gaya ng Asian Men’s Club Championsh­ips held sa Manila noong 2014 at ASEAN University Games sa Singapore noong 2016.

Tubong Sison, Pangasinan, gamay na rin nya ang collegiate volleyball games dahil nagsilbi na syang UAAP chief referee mula noong 2008 hanggang 2018.

Nagsilbi din siyang Assistant Tournament Manager ng Palarong Pambansa Volleyball Tournament­s mula noong 2012.

Isa rin siyang coaching clinician at volleyball event organizer para sa Philippine Volleyball Federation (PVF), at kasalukuya­ng nagtuturo ng senior high sa Pasay City North High School-Tramo Campus.

Nagtapos si Benosa ng Bachelor of Arts in Education Major in Physical Education, Health and Music sa University of Santo Tomas.

Miyembro rin siya ng koponan ng UST na nagwagi ng tatlong UAAP Men’s Volleyball titles noong 1989 hanggang 1991.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines