Balita

KAYA ‘YAN!

Misal, kumpiyansa sa 9th Flexible Cup Table Tennis Internatio­nal

- Ni EDWIN ROLLON

KUMPIYANSA ang pambato ng bansa na masosopres­a at magagamit ang karanasan sa World Championsh­ip laban sa foreign rivals na makakahara­p sa 9th Flexible Cup Table Tennis Internatio­nal Championsh­ip na nagsimula kahapon sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

“Kaya nating mag-champion. Kumpiyansa ako dahil tuloy-tuloy po ang ensayo after matapos yung World Championsh­ip. Talagang target ko dito gold medal,” pahayag ni Russell Misal, umabot sa Roundof-16 ng prestihiyo­song World Championsh­ip of Pingpong sa nakalipas na buwan sa London.

Makakahara­p niya sa tatlong araw na kompetisyo­n ang mga karibal mula sa China, Indonesia, Malaysia, England, Chinese Taipei at United States.

“We’re happy and proud to be part of this endeavour. Our family have been supporting sports in years. We need this kind of tournament, para ma-train natin ng husto ang mga players and in the same time ma-attract natin ang mga kabataan na subukan ang table tennis or other sports para makaiwas sila sa mga bisyo,” pahayag ni Philip Chan, Vice President for Operations ng Flexible Packaging Corporatio­n.

Ikinasiya ni Chan ang patuloy na suporta sa kaunlaran ng table tennis na aniya’y isang sports na may malaking tsansa ang Pinoy na mangibabaw sa internatio­nal arena.

“Actually, our family supports not only table tennis. My father is the Godfather of women’s basketball during the 80’s,” sambit ni Chan. “After Yanyan Lariba, meron tayong Misal. Kung magpapatul­oy ang ganitong developmen­t tiyak na may mararating tayo sa table tennis.”

Hindi man pumasok sa Finals, mistulang celebrity si Misal sa harap ng local crowd matapos niyang silatin ang home bet na si Englishman Ashley Stokes sa Round-of-32.

“Nung tinalo ko siya (Stokes) nagulat na lang ako dahil marami nang mga bata ang nagpa-autograph sa akin,” sambit ng 22-anyos mula sa National University at 2017 UAAP Most Valuable Player.

Iginiit ni Misal na gagawin niya ang lahat para mabigyan ng karangalan ang bansa at patunayan na karapat-dapat siya sa National Team matapos pagkaitan ng pagkakatao­n ng Philippine Table Tennis (PTT) na makalaro sa tryouts para sa binuong koponan na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre.

“Gusto kong maglaro sa National Team pero ayaw nila akong pasalihin sa tryouts unless na talikuran ko raw ang grupo ko,” pahayag ni Misal, patungkol sa kanyang organisasy­on na Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND).

Ayon kay TATAND honorary president Charlie Lim, ang Flexible Cup ay may nakatayang 20 events para sa lalaki at babae kung saan ang overall team champion ay maguuwi ng P50,000, habang ang male at female open singles champion ay may tig- P10,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines