Balita

FEU at UP, liyamado sa UAAP volley tilt

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 8:00 n.u -- UE vs UP (m) 10:00 n.u -- FEU vs NU (m) 2:00 n.h. -- UE vs UP (w) 4:00 n.h. -- FEU vs NU (w)

ISANG naghahanga­d na makabawi sa pagkatalo noong nakaraang taong kampeonato at isang nagnanais pangatawan­an ang maganda nilang performanc­e noong pre-season, sisimulan ng Far Eastern University at University of the Philippine­s ang kanilang kampanya sa magkahiwal­ay na laro ngayong hapon sa pagbubukas ng women’s division ng UAAP Season 81 volleyball tournament.

Unang sasabak ang Lady Maroons ganap na 2:00 ng hapon pagkatapos ng unang dalawang laro sa men’s division kontra University of the East Lady Warriors na susundan ng tapatan ng Lady Tamaraws at ng National University Lady Bulldogs ganap na 4:00 ng hapon.

Para kay UP coach Godfrey Okumu, magandang oportunida­d ang nangyaring dalawang pre season championsh­ip para sa kanilang kampanya ngayong taon.

“The excitement is there but also the stress, the pressure. We cannot count that out,” ani Okumu. “The fans are excited, we are excited, the players are excited as well because most of them believe that it’s a time for them to show themselves to the UAAP community.”

“The last season was quite challengin­g, Season 80. I barely had enough time to prepare the team the way I wanted,” aniya.

Nagwagi ang UP ng PVL Collegiate Conference title, para sa kanilang unang major women’s volleyball crown mula noong UAAP Season 45 noong 1982, kahit wala ang injured na ace spiker na si Tots Carlos na nasundan ng PSL Collegiate Grand Slam crown kahit wala si Isa Molde.

Ang panalo sa PSL ay nagbigay sa kanila ng magandang oportunida­d upang magkaroon ng allexpense paid training camp sa Thailand kung saan nagkaroon sila ng pagkakatao­n na makalaban ang club team na Supreme Chonburi na pinangungu­nahan ng Thai national team stars na sina Pleumjit Thinkaow at Wilavan Apinyapong.

“They never had a preseason like this. Playing together as a team. This was a good opportunit­y for them to test themselves. They were tested well and they’ve land their position but this were just preseason tournament,” ani Okumu.

Inaasahang mamumuno para sa FEU ang mga holdovers na sina Jerrili Malabanan, Celine Domingo, Heather Guino-o, Kyle Negrito at libero Buding Duremdes.

Para naman ng katunggali nilang Lady Bulldogs, malaking hamon para sa koponan ang makapagpak­ita ng magandang performanc­e sa ilalim ng bagong coach at matapos ang pagkawala ng ilan sa kanilang mga key players.

“Mahirap. Challengin­g, very challengin­g. I am telling you talaga. Very challengin­g pero laban,” pahayag ni bagong Lady Bulldogs coach Norman Miguel.

Kabilang sa mga nawala sa roster ng NU sina Aiko Urdas at starting libero Gayle Valdez na natapos na ang eligibilit­y gsyundin ang mga beteranang sina Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Roma Doromal at middle blocker Risa Sato.

Inaasahang mamumuno para sa Lady Bulldogs ang mga galing girls squad na sina 3-time Best Setter Joyme Cagande, 6-foot-1 Ivy Lacsina, Princess Robles at libero Jennifer Nierva.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines