3x3 President’s Cup sa Megamall
PORMAL na magbubukas ang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 2019 President’s Cup ngayon sa SM Megamall Events Center.
Hinati na ang 12 pioneering teams sa apat na grupo kung saan ang mga mangungunang koponan ay uusad sa knockout semifinals sa first leg ng unang 3x3 basketball league ng bansa.
“There’s only one intention for us to start this league. There’s a small window for us to qualify for the 2020 Tokyo Olympics and that’s through ranking points,”wika ni league owner Ronald Mascariñas. “In order to gain ranking points, we need to have a league -- an organized league.”
Pinangungunahan ng San JuanGo for Gold Knights ang Pool A kung saan kasama nila ang Valenzuela Classic at Zamboanga Valientes habang nangingibabaw naman ang Fil-Am laden Pasig-Grindhouse Kings sa Group B kasama ng Bulacan Kuyas at Marikina Shomasters.
Ang Pasay Voyagers, CebuMax4 Birada, at Vigan Wolves ang magkakasama naman sa Group C habang naipon sa itinuturing na pinakamabigat na grupo-ang Pool D ang 1Bataan Risers, Bacoor Strikers, at Quezon City-Zark’s Jawbreakers.
Magsisimula ang unang laban ganap na 11:00 ng umaga bago ang opening ceremony na gaganapin ng 1:00 ng hapon kung saan tampok na panauhin sina FIBA officials David Crocker at Fei Gao, ESPN5 President Chot Reyes, Ateneo head coach Tab Baldwin, league commissioner Eric Altamirano, at si Mascariñas.
Bahagi ang knockout semifinals, magkakaroon ng 3-point shootout kung saan pangungunahan ang 12-man field ni Cebu-Max4 veteran Dondon Hontiveros.
Pagkatapos ng semis, isasagawa naman ang slam dunk contest na pangungunahan nina two-time FIBA 3X3 U18 Slam Dunk champion Kobe Paras ng UP, NCAA Season 92 Slam Dunk king Yankie Haruna of CSB, at 2018 Davao Invitational Dunk champ Daniel Chatman ng NU.
“Everybody is excited. Based dun sa feedback na nakuha ko sa team owners, they are ready to go,” ani tournament director coach Eric Altamirano. “I expect a big crowd on Saturday. Nakikita ko na maraming matutuwa dito sa opening.”