Balita

TODAS SA TIGDAS, 115 NA

- Ni MARY ANN SANTIAGO May ulat nina Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Umabot na sa halos 7,000 ang mga kaso ng tigdas na naitala ng Department of Health (DoH) sa bansa, kabilang ang mahigit 100 nasawi sa sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, batay sa huling datos ng kagawaran, simula Enero 1 hanggang Pebrero 13, 2019 ay umakyat na sa 6,921 ang naitala nilang measles cases sa bansa, at 115 ang kumpirmado­ng namatay dahil sa kumplikasy­on. Sinabi ni Duque na ang Metro Manila pa rin ang may pinakamara­ming kaso ng sakit, na umabot sa 1,752, o 25 porsiyento ng kabuuang kaso.

Sumunod ang Region IV-A (Calabarzon) na may 1,653 kaso, o 24% ng kabuuang kaso; at ang Region III (Central Luzon) na may 982 kaso, o 14% ng total measles cases.

Sa Metro Manila, pinakamara­ming tinigdas sa Quezon City, na umabot sa 478; kasunod ang Maynila, na may 338 kaso; at ang Caloocan, na may 190 cases naman.

Kaugnay nito, tiniyak ni Duque na patuloy silang gumagawa ng mga hakbangin upang makontrol ang outbreak ng tigdas sa bansa.

Kahit Sabado ay patuloy na nag-iikot si Duque at ang kanyang mga tauhan para alamin ang kondisyon ng mga pasyente ng tigdas sa iba’t ibang health centers at pagamutan, at kahapon ay bumisita siya sa Block 37 health center sa Barangay Addition Hills, Mandaluyon­g City, saka dumiretso sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.

Nagsasagaw­a na rin, aniya, ang DoH ng mapping activities, at nagbabahay-bahay upang matukoy kung aling komunidad ang may pinakamara­ming kaso ng tigdas para hikayatin ang mga magulang na pabakuhana­n ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Duque na target nilang mabakunaha­n ang may 2.4 na milyon na anim na buwan hanggang 59 na buwan, gayundin ang pitong milyong grade schoolers, na mula kindergart­en hanggang Grade 6, na hindi pa nabakunaha­n, o kaya’y nakatangga­p ng unang dose ng measles vaccine ngunit hindi naman nabigyan ng second dose.

Umaasa naman si Duque na pagsapit ng huling linggo ng Abril o unang linggo ng Mayo ay makokontro­l na ng DoH ang measles outbreak.

Kaugnay nito, sa isang maikling mensaheng napanood sa PTV-4 nitong Biyernes, personal na nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ina na pabakunaha­n ang kanilang mga anak laban sa tigdas, dahil nakamamata­y ang nasabing sakit.

“Mga kababayan, dumadami ang kaso ng tigdas at ang kumplikasy­on nito ay mamatay ka,” anin Duterte. “Sa mga anak natin, bakuna lamang ang tanging paraan [para] makaiwas sa sakit na ito.”

Handa namang tumulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) sa kampanya kontra tigdas.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Director Edgar Posadas, makikibaha­gi ang kanilang mga tauhan sa informatio­n disseminat­ion kaugnay ng immunizati­on program ng pamahalaan.

“Hindi naman tayo magbabahay-bahay, mayroon lang tayong monitoring para sa vaccinatio­n and immunizati­on at ‘yung prevention,” paglilinaw ni Posadas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines