Balita

Umayaw sa flowers, chocolates, binistay

- Nina ERMA R. EDERA at MARY ANN SANTIAGO

Tinutugis ang isang lalaki nang patayin umano nito ang kanyang live-in partner sa Malate, Maynila, isang araw matapos ang Valentine’s Day.

Kinilala ang suspek na si Jervis Cabrera, nasa hustong gulang, security guard at residente ng Plaridel, Bulacan habang ang biktima ay si Jenny Rose Manila, 25, domestic helper, at residente ng Taal Street, Malate, Maynila.

Sa inisyal na imbestigas­yon, bago ang insidente ay nakatangga­p ang biktima ng mga tawag mula kay Cabrera at inimbitaha­n siyang maghapunan sa isang convenienc­e store sa San Andres corner Tuazon St., Malate, Maynila nitong Pebrero 15, dakong 7:33 ng gabi.

Ayon sa awtoridad, lumabas ang biktima sa bahay at naglakad sa kahabaan ng San Andres St., at nakipagkit­a sa suspek sa tapat ng isang computer shop.

Mapapanood sa closed-circuit television (CCTV) footage na hinila ng suspek ang balikat ng biktima sa tapat ng jeep, ngunit pumiglas ang biktima.

Binunot ni Cabrera ang kanyang baril at makailang beses pinaputuka­n ang biktima hanggang sa bumulagta. Matapos ang pamamaril, mabilis na umalis ang suspek.

Ayon sa mga katrabaho ni Manila, nagpadala si Cabrera ng mga bulaklak at chocolate sa biktima nitong Valentine’s Day, ngunit tumanggi itong tanggapin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines