Balita

Oil price, tataas uli

- Bella Gamotea

Isa na namang panibagong oil price hike ang napipinton­g ipatupad sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 50 sentimos hanggang 60 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasoline, habang 40-50 sentimos naman sa diesel.

Ang nagbabadya­ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdig­ang pamilihan.

Nitong Pebrero 12, nagtaas ng P0.90 sa gasolina, P0.85 sa kerosene, at P0.55 naman sa diesel.

Sa datos namn ng Department of Energy (DoE), naglalaro ang bentahan ng kada litro ng gasolina sa P46.74-P55.46, habang P39.74P44.84 naman sa diesel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines