Balita

66% Pinoy: Mga adik, konti na lang

- Ni Ellalyn De Vera-Ruiz

Pito sa bawat sampung Pilipino ang naniniwala na bumaba ang bilang ng mga taong gumagamit ng ilegal na droga sa kanilang lugar sa nakalipas na mga taon.

Base ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 16-19, sa 1,440 respondent­s.

Lumalabas na 66 na porsiyento ng mga Pilipino ang nagsasabi na kumaunti ang bilang ng mga nasasangko­t sa ilegal na droga sa nakalipas na taon. Habang 14% ang nagsabing dumami ito, at 9% ang nagsabing walang nagbago sa bilang.

Pinakamala­king bahagdan ng mga nagsabi na kumaunti ang gumagamit ng droga ay natukoy sa Mindanao, na may 83%; kasunod ng Visayas, 71%; Metro Manila, 67%; at 54% sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Sa kaparehong survey, lumalabas din na 95% ng mga Pilipino ang naniniwala na dapat hulihin nang buhay ang mga sangkot sa ilegal na droga.

Katulad ito ng 95% na lumabas sa unang survey noong Hunyo 2018.

Pinakamala­king bahagdan sa mga nagsabi ay mula sa Metro Manila at Visayas, 97%; Mindanao 96% at 92% sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines