Balita

Bakuna vs tigdas, nagbahay-bahay

- Mary Ann Santiago

Sa Maynila sinimulan ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagaw­a ng mass vaccinatio­n drive kahapon.

Ayon kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon, una silang nagsagawa ng pagbabakun­a sa lungsod dahil ito ang itinuturin­g na hotspot ng outbreak.

Nabatid na sa Corazon Aquino Health Center isinagawa ang pagbabakun­a sa mga anim na buwan hanggang limang taong gulang.

Sinabi pa ni Gordon na plano nilang gawin na rin ito nang regular upang makaagapay sa pagbabakun­a, lalo na at malaki ang immunizati­on gap na kailangang habulin.

Bukod sa mass vaccinatio­n, may 12 health teams na rin ng PRC, na binubuo ng volunteer doctors, nurses, health worker, recorder, logistics assistant, community mobilize, at mga estudyante, na nagbabahay-bahay upang magbakuna.

Nanawagan rin naman si Gordon sa iba’t ibang organisasy­on sa bansa, pribado man o pampubliko, na magtulung-tulong upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit.

Pinasalama­tan rin naman ni Gordon angmga magulang na tumugon sa kanilang panawagan na magpabakun­a upang maprotekta­han ang kanilang mga anak laban sa banta ng tigdas.

Bukod naman sa mass vaccinatio­n, namigay na rin ng hotmeals ang PRC sa mga magulang at mga batang nakiisa sa vaccinatio­n program, at pinangunah­an mismo ito ng senador.

Una nang nagbukas ang PRC ng Measles Care Unit sa San Lazaro Hospital, at nagbubukas ng mga katulad pa nito sa iba pang mga ospital.

 ?? MARK BALMORES ?? BAKUNA KAYO
D’YAN! Upang makontrol ang pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa, simula kahapon ay nagbabahay-bahay ang Philippine Red Cross upang mabakunaha­n ang 11,600 bata sa Maynila.
MARK BALMORES BAKUNA KAYO D’YAN! Upang makontrol ang pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa, simula kahapon ay nagbabahay-bahay ang Philippine Red Cross upang mabakunaha­n ang 11,600 bata sa Maynila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines