Balita

Senior citizens, bigyan ng trabaho

-

Patuloy na isinusulon­g ni dating Presidenti­al Political Adviser Francis Tolentino ang oportunida­d sa trabaho para sa mga senior citizens na nais at may kakayahan pang makapaghan­apbuhay.

Ito ay kaugnay ng nakabimbin­g panukala na magpapabab­a sa retirement age sa 56 mula sa umiiral na 60 anyos.

Para kay Tolentino, hindi dapat maging hadlang ang edad para makapaghan­apbuhay ang mga senior citizens, lalo na kung malakas at may kakayahan pa sila.

“May mga kababayan po tayo na bagamat senior citizen na ay tuloy ang pagbabatak ng buto para matustusan ang pangangail­angan ng kanilang mga pamilya,” ani Tolentino.

Dagdag pa ni Tolentino, mas maraming karanasan ang mga senior citizens na maaari nilang ibahagi sa mas batang empleyado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines