Balita

Fil-Am, pinatay sa Chicago

- Bella Gamotea

Isang Filipino-American ang hinihinala­ng pinatay sa Chicago, iniulat kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA). Nagpaabot ang DFA ng pakikirama­y at simpatya sa pamilya ni Anthony Del Barrio, nasa hustong gulang, isang Filipino-American. Ayon sa Konsulado ng Pilipinas sa Chicago, nakikipag-ugnayan ito sa mga awtoridad doon na patuloy na nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Del Barrio. Batay sa Chicago authoritie­s, wala pa silang suspek at hiniling na nila ang ayuda ng publiko para sa anumang impormasyo­n na makatutulo­ng sa imbestigas­yon sa kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines