Balita

‘Emergency’ para sa pader, idineklara ni Trump

-

Kasabay ng pagbanggit sa “invasion of drugs and criminals”, nagdeklara si President Donald Trump nitong Biyernes ng national emergency sa US-Mexico border, upang maibigay na ang pondo na matagal na niyang hinihingi sa Kongreso para sa pagpapatay­o ng pader.

Dahil sa hakbang ng US President, maaari na nitong i-bypass ang oposisyon at direktang humiling ng pondo sa federal para sa pader.

“I am going to be signing a national emergency,” pahayag ni Trump. “We are talking about an invasion of our country, with drugs, with human trafficker­s, with all types of criminals and gangs.”

Agad naman kinontra ng Democrats ang hakbang ni Trump at nangakong maglulunsa­d ng imbestigas­yon para rito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines