Balita

Panukala: R1,000-pension sa 65-anyos

- Charissa M. Luci-Atienza

Ipinanukal­a ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin na ang universal monthly pension na P1,000 ay ipagkaloob sa lahat ng senior citizens na nasa edad 65 pataas, upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangail­angan.

Sa ilalim ng House Bill 9040, isinulong ng mambabatas ang P1,000 monthly pension para sa “social protection” ng matatanda.

“As the population continues to age, there is a need to sustain the support for ageing citizens. Such provision of social protection is a necessity if society aims to give senior citizens with dignity as they further age,” ani Villarin.

Binanggit ang taya ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi niya ang mga Pinoy na mahigit 60-anyos ay magiging triple sa susunod na 30 taon.

Mula 7.6 milyon noong 2015, ang bilang ng mga senior citizens ay inaasahang aabot sa 22.6 milyon sa 2045, aniya, base sa ulat ng PSA.

“The social pension envisioned in this legislativ­e proposal proposal is to allow senior citizens to cope up with the rising cost of living,” paliwanag niya.

Sa ilalim ng House Bill 9040, ang monthly social pension na P1,000 ay dapat na ipagkaloob sa lahat ng senior citizen na nasa edad 65 pataas at senior citizens sa edad 60 hanggang 64.

Magkakaloo­b ito na limang taon simula nang ipatupad ang panukala, ang lahat ng senior citizens ay pagkakaloo­ban ng monthly social pension sa prevailing rate, na hindi bababa sa P1,000.

“To ensure that fluctuatio­ns in the daily subsistenc­e expenses and other needs of senior citizens are taken into account, this bill proposes a mandatory review of the socialpens­ion based on prevailing economic indicators,” sabi ni Villarin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines