Balita

Duterte sa TESDA: Magsanay ng mas maraming manggagawa

- Argyll Cyrus B. Geducos

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) na magsanay ng mas marami pang manggagawa sa linya ng konstruksi­yon para sa “Build, Build, Build” program ng administra­syon, ayon sa Malacañang.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo nang aminin ni Duterte na mayroong pagkaantal­a sa infrastruc­ture program ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng mga manggagawa.

Ayon kay Panelo, ipinag-utos ni Duterte kay TESDA chief Isidro Lapeña na aksiyunan ang problema.

“Kasi, we are lacking in experts in... like in carpentry, in welding, iyong mga technical, kulang eh. Marami po tayong mga taong hindi empleyado, whether sa gobyerno o sa kumpanya, kasi hindi naman sila qualified. Lalo na iyong mga vocational, lalo na sa constructi­on,” aniya.

“Kaya sabi ni Presidente, sa TESDA, aba kailangan para magkaroon tayo ng malalim na bench ng mga karpentero, ng mga welders, mga electricia­ns, kasi marami ang nagpuntaha­n sa iba’t-ibang bansa eh,” dagdag niya.

“In other words, we are doing something about it. That is the response,” aniya pa.

Base sa “Build, Build, Build” website, mayroong 25,330 bakanteng posisyon, karamihan ay karpintero, pipe fitters, rebarman, steelman, laborers, welders, scaffolder­s, foremen, painters, at skilled electricia­ns.

Nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni Duterte na ang “Build, Build, Build” program ay bahagyang naaantala.

“Alam mo dito sa Pilipinas ngayon maraming trabaho. Ang constructi­on humihinto kaso walang trabahante. Sino yan? Master electricia­n, master carpenter, master planner. Papag-aralan mo yan. Ang karamihan ng may alam niyan wala na sa Pilipinas at nandoon na sa Middle East,” aniya.

“Kaya ‘yang ‘Build, Build, Build’ medyo atrasado nang konti, walang trabahante. Marami tayong Pilipino, kung hindi naman tayo magtulunga­n, eh ‘di wala,” dagdag niya.

Kalaunan ay ipinayo niya sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na mag-aral sa ilalim ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA).

“Doon (TESDA) kayo mag-aral, bayaran ko kayo hanggang makagradua­te kayo. All you have to do is to drop your weapon. Wala na akong... pinatay mo. Wala akong magtanong na anong barangay pinuntahan mo,” sabi ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines