Balita

PNR Tutuban-Manila, ginagawa na

- Freddie C. Velez

Sinimulan na sa wakas nitong Biyernes ang konstruksi­yon ng Tutuban-Malolos phase ng Philippine National Railway (PNR) NorthSouth Railway sa Malolos City, Bulacan, at inaasahang makukumple­to sa 2021. Ayon kay Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy Alvarado, dahil sa 37.6-kilometron­g mass railway transporta­tion, tiyak nang mapaiikli ang biyahe sa pagitan ng Maynila at Bulacan, at mula sa kasalukuya­ng mahigit isa at kalahating oras at magiging 30-35 minuto na lang, para sa hanggang 300,000 pasahero araw-araw. Sinabi pa ng gobernador na may kabuuang 10 istasyon sa alignment project na itatayo sa Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at Malolos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines