Balita

Halalan sa Nigeria, naudlot

-

ABUJA (Reuters) - Biglang ipinagpali­ban ng Nigeria ang presidenti­al election na dapat sanang idinaos kahapon, at inilipat sa Pebrero 23.

Sa pagbabahag­i sa media, limang oras bago ang dapat sanang halalan, sinabi ni Independen­t National Electoral Commision (INEC) Chairman Mahmood Yakubu, na “not feasible” ang nakatakdan­g halalan.

Aniya, kinakailan­gan ipagpaliba­n ang eleksiyon upang maidaos ang isang malaya at patas na botohan.

“This was a difficult decision to take but necessary for successful delivery of the elections and the consolidat­ion of our democracy,” pahayag pa ni Yakubu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines