Balita

Call center agent kulong sa nenok sa damit

- Jhon Aldrin Casinas

Arestado ang call center agent sa umano’y pagtangay ng mahigit P3,000 halaga ng mga damit sa isang department store sa Mandaluyon­g City, nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Jahnna Paula Zapanta, 19, ng Barangay San Juan, Taytay City, Rizal.

Sa imbestigas­yon, napansin si Zapanta ni Alan Abiday, 30, guwardiya ng SM Megamall, na kahina-hinalang nag-iikot sa mall, dakong 8:45 ng gabi.

Dahil sa kanyang kutob, sinundan at inobserbah­an ni Abiday si Zapanta, ayon sa awtoridad.

Habang nasa loob ng men’s wear section ng department store, sinabi ng pulis na nakita ni Abiday si Zapanta na kumuha ng ilang damit at itinago sa kanyang shoulder bag.

Gayunman, patuloy na inobserbah­an at sinundan ng sekyu ang suspek sa ikalawang palapag kung saan muling kumuha si Zapanta ng ilang piraso ng damit at inilagay sa kanyang eco-bag, dagdag ng awtoridad.

Nang mapansin ni Abiday na palabas na si Zapanta, inaresto siya ng guwardiya at narekober ang ilang damit, na nagkakahal­aga ng P3,247.

Nakakulong si Zapanta sa Mandaluyon­g City Police at kakasuhan ng theft.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines