Balita

2 drug pusher, customer pinosasan

- Jhon Aldrin Casinas

Kalaboso ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga at kanilang 18-anyos na customer sa buybust operation sa Marikina City, kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Lionel Bautista, alyas Bugoy, 32; Comemoraci­on Cruz, alyas Maurin, 44; at Maria Angelica Murillo, alyas Jelay, 18. Pawang ng Barangay Nangka, Marikina City.

Sa imbestigas­yon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Station Drug Enforcemen­t Unit laban kay Bugoy, na kalaunan ay kinilalang si Bautista, sa loob ng bahay ni Murillo, dakong 1:00 ng madaling araw.

Nag-ugat ang operasyon sa ulat hinggil sa umano’y pagkakasan­gkot ni Bautista sa ilegal na aktibidad sa lugar.

Sa police report, nakabili ang poseur-buyer ng isang pakete ng ilegal na drogas, na nagkakahal­aga ng P500, kina Bautista at Cruz.

Matapos ang transaksiy­on, sinabi ng awtoridad na inaresto ng antinarcot­ics team ang dalawa, gayundin si Murillo na bumili ng ilegal na droga sa mga suspek.

Nasamsam sa operasyon ang limang pakete ng hinihinala­ng shabu, P150 cash, walang laman na gum canister at ang marked money.

Nakakulong ang tatlo at kakasuhan sa paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines