Balita

14 na pakete ng droga sa 43-anyos

- Erma R. Edera

Dinakma ang isang 43-anyos na lalaki nang masamsaman ng mga ilegal na droga sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Thong Usay, 43, ng Globo de Oro Golden Mosque, Barangay 384, Zone 39 Quiapo, Maynila.

Sa imbestigas­yon, nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Meisic Police Station laban kay Usay sa F. Torres Street corner C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila nitong Pebrero 15, dakong 9:50 ng gabi.

Narekober sa suspek ang 14 na pakete ng hinihinala­ng shabu at P500 buy-bust money.

Idiniretso ang mga ebidensiya sa Manila Police District (MPD) Crime Laboratory, para sa eksaminasy­on.

Habang ang suspek ay dinala sa Binondo Police Station, at kakasuhan sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines