Balita

Trike driver, utas sa gunman

- Alexandria San Juan

Isang 30-anyos na driver ang pinagbabar­il ng hindi pa nakikilala­ng armado habang sakay sa kanyang tricycle sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Supt. Joel Villanueva, hepe ng Quezon City Police Station 6, ang biktima na si Wilson De Guzman, ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa isang saksi, nasa loob siya ng kanilang bahay na ilang metro ang layo sa pinangyari­han sa Capas Street malapit sa corner AFP St., sa Bgy. Holy Spirit, dakong 5:40 ng madaling araw.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril kaya nagtago.

Nang sumilip siya sa kanilang bintana, nakita niyang duguan si De Guzman.

Sa inisyal na imbestigas­yon, si De Guzman ay sakay sa kanyang motorsiklo (UZ8-200), na may orange sidecar at body markings Luzon Toda 631, nang pagbabaril­in ng hindi pa nakikilala­ng suspek.

May tama ng bala sa ulo at kanang bahagi ng katawan si De Guzman, na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Inaalam na ng awtoridad ang motibo sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines