Balita

4 na rebelde, sumuko

- Fer Taboy

Sumuko sa mga tauhan ng Philippine Army (PA) ang apat na rebelde nang makorner ang mga ito sa Barangay New Baguio, Makilala, North Cotabato, kamakailan.

Ayon kay 39th Infantry Battalion (IB) commanding officer, Lt. Col. Rhojun Rosales, pagod na pagod at nanghihina sa sobrang gutom ang apat na rebelde nang matagpuan nila ang mga ito sa kagubatan sa lugar.

Ayon kay “Ka Alvin”, naubusan sila ng bala, nakaranas ng sobrang gutom at pagod dahil sa patuloy na pagtugis ng militar.

Isinuko ng mga rebelde ang mga matataas na uri ng armas at antiperson­nel mines.

Ibinunyag ng apat na napilitan umano silang pumasok sa kilusan ng NPA nang i-recruit sila at bigyan ng armas, kasabay ng pangakong buwanang sahod.

Sa ngayon ay isinailali­m sila sa tactical interrogat­ion ng military.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines