Balita

2 sa NPA, inutas ng kilusan?

- Fer Taboy

Iniimbesti­gahan ngayon ng mga awtoridad ang posibilida­d na nilikida ng kanilang kilusan ang dalawang kaanib ng New People’s Army (NPA) sa Kidapawan City, North Cotabato, kamakailan.

Ang dalawang napatay ay kinilala ni Kidapawan City Police chief, Supt. Ramel Hojilla, na sina Russel Sumatra, alyas “Marga”, 41, may-asawa, ng 61-1 Fatima Village, Bajada, Davao City, at Oscar Nabonita, ng Purok 4, Bgy. POblacion, Magpet ng nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Hojilla, ang dalawa ay sakay ng motorsiklo nang dikitan umano ng riding in tandem bago sila pinagbabar­il sa Quezon Boulevard ng naturang lugar.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek dala ang dalawang sling bag nina Nabonita at Sumatra na posible umanong naglalaman ng mga baril.

Dead on the spot ang dalawa dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Kaugnay nito, sinabi ng mga awtoridad na inamin umano ni Ka Rebu Bonifacio na kasamahan nila sa Guerilla Front Committee 53 ang dalawang biktima.

Ayon kay Bonifacio, walang kinalaman ang kilusan sa pagpaslang sa dalawa at itinuro ang mga awtoridad na nasa likod ng insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines