Balita

Rider, 1 pa naaksident­e

- Liezle Basa Iñigo

Patay ang mag-asawang rider at isa pang lalaki matapos na masagasaan ng bus sa magkahiwal­ay na lugar sa Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ng San Fabian Municipal Police ang mag-asawang nasawi na sina Eduardo Pedeglorio, 55, at Cecilia, parehong taga-4th Block, Barangay Sagud, Bahley.

Sa ulat ng mga awtoridad, pauwi na ang mag-asawang sakay ng motorsiklo nang salpukin nito ang isang tricycle at tumilapon ang mga ito sa national highway sa Bgy. Tempra Guilig sa San Fabian.

Hindi naman napansin ng driver ng sumusunod na pampasaher­ong bus ang mag-asawa hangggang magulungan ang mga ito.

Nasawi naman ang isang lalaki nang masagasaan at mapisak sa Bgy. Carunoan East, Rosario ng nasabing lalawigan.

Dead on the spot si Eddie Laron ng nabanggit na lugar, dahil sa matinding pinsala sa katawan nang masagasaan ng isa ring pampasaher­ong bus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines