Balita

R4.4-M puslit na sigarilyo, sinira

- Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Sinira na ng Bureau of Customs (BoC) ang aabot sa P4.4 milyong halaga ng imported na sigarilyo na nauna nang nasabat sa Jolo, Sulu, kamakailan.

Ayon kay BOC-Zamboanga City District Collector Segundo Barte, Jr., sinira na nila ang 142 kahon ng sigarilyon­g nagkakahal­aga ng P4,409,000 milyon.

“I ordered our police and some BOC personnel to soaked last Friday all the confiscate­d imported cigar and cigarettes products in used diesel oil and it is now considered pre- condemned. The official condemnati­on shall follow after receipt of the approval from BOC Manila,” ayon sa opisyal.

Iniutos ni Barte ang pagsira nito matapos silang maglabas ng Warrant of Seizure and Detention sa nasabing kargamento.

Layunin aniya ng pagsira na maipuslit muli ito sa mga bodega ng ahensya.

Puno na aniya ng mga nasamsam na smuggled rice ang mga bodega ng BOC, kaya’t wala ng pagtatamba­kan sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines