Balita

3 ‘tulak’, nalambat

- Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac – Tatlong kilabot na drug pusher na kumikilos sa bayang ito at karatig pang lugar ang natimbog sa isinagawan­g buybust operation sa Barangay Jefmin, Concepcion, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Globoy Paz, may hawak ng kaso, ang mga naaresto na sina Eleazar Bulacso, alias Sonny; 39, fish vendor; Marlon Llarnes, alias Sadam, 218, kapwa residente ng Sitio Macangcong, San Francisco; at Noel Lacsamana, alyas “Towey”, 46, ng Jefmin ng nasabing bayan.

Sa rekord ng mga awtoridad, ang tatlo ay nasa kanilang drug watchlist.

Nasamsam sa kanila ang hindi pa madetermin­ang halaga ng shabu at marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines