Balita

19 arestado sa illegal quarrying

- Jeffrey G. Damicog

Dalawang Korean at 17 pa ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) dahil sa umano’y pagkakasan­gkot sa illegal quarrying operations sa Pampanga, kamakailan.

Paliwanag ni NBI Director Dante Gierran, isinagawa ng mga tauhan nito ang pagsalakay sa Sammi Vibro at BM Marimla Plant dahil sa patuloy na operasyon ng mga ito sa Barangay Dolores at Calsadang Bayu.

Ang dalawang kumpanya aniya ay responsabl­e sa iligal na paghahakot ng lahar sa dalawang lugar sa nasabing mga lugar, ayon na rin sa ipinalabas na ulat ng Mines and Geoscience­s Bureau (MGB) hindi wala silang hawak na Industrial Sand and Gravel (ISAG) permit.

Nakilala ang mga inaresto na sina Gi Man Lee at Jeong Sunmi, pawang Korean at empleyado ng Sammi Vibro.

Arestado naman sina John Paul Sumat, Jory Sabacan, Alberto Lingad, Joseph De Leon, Sandy Vosotros, Alex Basilio, Fernando Tomas, Tyron Manalo, Mark Glen Reyes, Rudy Libunao, Joey Madrona, Marcelino Bundoc, at Lamix Abogan, pawang kawani ng Sammi Vibro.

Nakilala naman ang mga empleyado ng BM Manila na sina

Alfer Nueva, Rodolfo Pineda, Higinio Javate, at Ener Dela Cruz.

Sinamsam din sa quarrying area ang ilang truck, pay loader, conveyor at backhoe.

Ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7942 (Philippine Mining Act of 1995).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines