Balita

9 timbog sa sugalan

- Leandro Alborote

TARLAC CITY –Sinampahan na kahapon ng kaso ang siyam katao na naaresto umano sa akto habang nagsusugal sa Block 3, Barangay Cutcut 2nd at Sitio Centro, Barangay Carangian, Tarlac City.

Sa unang police operation sa Sitio Centro nitong Huwebes, nalambat umano sa pagsusugal sina Frankie Manangan, 38; Nicanor Manalili, 56; Mark Anthony Zarsua, 36; Roberto Manalili, 52; Allan Joven Nunga, 35, at Rowena Manangan, 58, pawang taga-Bgy. Carangian.

Inaresto rin at sinampahan na ng kaso sina Jhon David, 38; Violeta Viloria, 62; at Luzviminda Alonzo, 49, pawang ng Cutcut 2nd.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines