Balita

R2.8-M scholarshi­p grant para sa Negros Occidental

- PNA

NAKIPAGTUL­UNGAN ang Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) sa Negros Occidental provincial government para sa pamamahagi ng P2.8 milyong halaga ng bundled technical-vocational scholarshi­ps sa mga kuwalipika­dong Negrenses.

Ang mga kurso ay iaalok ng Capitol-run Negros Occidental Language and Informatio­n Technology Center (NOLITC) bilang bahagi ng implementa­syon ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).

Nitong Miyerkules, mismong sina Governor Alfredo Marañon, Jr. at TESDA Western Visayas Regional Director Ashary Banto ang lumagda sa memorandum of agreement sa isang seremonsya sa Provincial Capitol.

Habang saksi sa paglagda ng kasunduan sina TESDA-Negros Occidental Provincial Director Jimmicio Daoaten at NOLITC Vocational School Administra­tor Ma. Cristina Orbecido.

Bahagi ng scholarshi­p na available ay para sa mga kurso sa Contact Center Services, 2D Animation, at Visual Graphic Design, na iaaalok bilang bundle qualificat­ions.

Ayon kay Banto nasa 100 iskolar, na mga nakapagtap­os ng high school o mga dropouts sa kolehiyo, ang pipiliin upang makatangga­p ng mga libreng pagsasanay, allowance, instructio­nal materials, tool kits, at dormitory accommodat­ion, na kinakailan­gan.

Ayon kay Orbecido, tumatangga­p na ngayon ang NOLITC ng mga aplikasyon para sa scholarshi­p.

Sa ilalim ng RA 10931, maaari nang makuha nang libre ang mga TESDA technicalv­ocational education and training (TVET) programs sa lahat state-run technicalv­ocational institutio­ns, kabilang ang mga local government unit-run training centers katulad ng NOLITC, na isa sa 22 katuwang na institusyo­n ng ahensiya, para sa pagpapatup­ad ng UAQTEA implementa­tion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines