Balita

‘Goyo’, highly recommende­d ni Pangulong Digong

- Ni GENALYN D. KABILING

NASA mood para magbinge-watching sa Netflix? Highly recommende­d ni Pangulong

Rodrigo Duterte ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral, na tumatalaka­y sa makabayang pakikibaka laban sa pananakop ng mga dayuhan sa bansa.

Sa kanyang pagbisita sa Bulacan nitong Huwebes, hinikayat ng Presidente ang publiko na panoorin sa Netflix ang pelikula tungkol sa batang heneral na si Gregorio del Pilar, at inaming hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya para sa mga pagdurusan­g dinanas ng mga Pilipino mula sa mga dayuhang mananakop.

Ang historical film, na idinirehe ni

Jerrold Tarog, ay nakatuon sa buhay ni Del Pilar at sa mga pangyayari­ng nauwi sa Battle of Tirad Pass noong 1899, sa panahon ng Filipino-American war. Ang biopic, na sequel ng blockbuste­r hit na Heneral Luna

noong 2015, ay ipinalabas sa mga sinehan noong nakaraang taon at pinagbidah­an ni Paulo Avelino.

“Biro mo 400 years? Panoorin n’yo ‘yung sa Netflix. ‘Yan sila—ngayon si General Goyo,” sinabi ni Duterte sa proclamati­on rally ng senatorial ticket ng administra­syon sa Bulacan nitong Huwebes. “Ayaw ko na lang magsalita pero medyo masakit. Nasasaktan ako para sa bayan ko. Maisip ko lang kung anong—anong kahirapan ginawa nila sa Pilipinas,” ani Duterte.

Aniya, kung hindi sinakop ng Spain ang Pilipinas, “no religion” sana sa bansa. Kung hindi tayo sinakop ng mga Amerikano, sinabi niyang wala sanang bahid ng “western culture” ang mga Pilipino.

“The Spaniards stayed in this country for 400 years, the Americans for 50 years and they lived off of the fat of the land at kinuha nila ang magagandan­g—anong maganda sa bayan natin,” sabi ng Pangulo.

 ??  ?? Paulo
Paulo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines